MAGMUMULA sa bulsa ni Kris Aquino at ng iba pa niyang kapatid na babae ang bahagi ng gagastusin sa inihanda nilang luncheon para sa mga First Ladies ng APEC leaders na bibisita sa bansa this week.
Ayon mismo kay Kris, kailangang masiguro nilang maayos at magiging memorable ang nasabing event para sa mga misis ng mga dadalong leader ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas para sa APEC summit.
Sa kanyang Instagram account nag-post si Kris ng mensahe para sa kanyang followers tungkol sa paghahandang ginagawa nila para sa nasabing luncheon meeting.
“My sisters and I are shouldering the added expense to beautify the luncheon venue, mount the stage, and for the sound system, pianist, etc.
“I was really just waiting to be asked because mahirap naman mag-atrebida, pero siyempre we want to show them the best of our country. We are proud to be doing this for our national pride & in solidarity with our brother PNoy,” sey pa ni Kris.
Bukod dito ay nagpasalamat din ang Queen of All Media sa mga kaibigan niyang celebrities na makikiisa sa gaganaping event. Totoo nga kayang hindi na naningil ng talent fee kay Kris ang mga invited perfor-mers?
Si Derek Ramsay ang magiging co-hosts ni Kris sa event at ang mga kaibigang sina Ogie Alcasid, Angeline Quinto, Matteo Guidicelli at Erik Santos ang magbibigay ng natatanging performance para sa APEC leaders’ wives na magaganap sa Nov. 19 sa isang undisclosed place.
Nauna nang sinabi ni Kris na may 10 nang nag-confirm ng kanilang attendance sa luncheon, “Ang mga first ladies na confirmed na darating — Singapore, Indonesia, Japan, tapos Malaysia, Thailand, New Zealand, Vietnam, Hong Kong and Columbia. Type ng mga Pinoy ang Colombia na ‘yan.”