Pangako ng mister ni Mahal: Gagawin ko lahat para sa ‘yo!

mahal

Napanood namin ang panayam ni Korina Sanchez sa komedyanang si Mahal at sa asawa nitong si Jobbie Hebrio sa Rated K noong Linggo ng gabi.

Dito ibinahagi ng bagong kasal ang ilang detalye sa kanilang personal na buhay, kabilang na riyan ang eksena kung kailan sila nagkakilala. Ayon kay Jobbie, siya talaga ang nag-effort para magkakilala sila nang lubos ni Mahal at totoong niligawan daw niya ang bulinggit na dalaga.

Inamin ni Mahal kay Korina na sinadya niyang hindi ipakilala sa madlang pipol si Jobbie noong maging sila dahil natatakot siyang ma-bash ito nang husto tulad ng ginawa ng ilang netizens sa dati niyang dyowa.

“Natatakot akong ipakilala, iharap sa kamera, kasi baka sabihin ginagamit lang ako, pineperahan,” ani Mahal na nagsabing dalawang beses na siyang nabigo sa pag-ibig. Pero umaasa pa rin siyang darating ang araw na matatagpuan din niya ang lalaking para sa kanya.

“Siguro mga dalawa (ex-boyfriend), nasaktan din ako, lagi nila niloloko. Pero ayaw ko na uli umiyak sa ganon. Ayaw naman ng father ko na masaktan ako. Kailangan ko din makahanap ng magiging asawa ko, na matino tapos maalagaan ako, at ‘yung aalagaan ako ng todo-todo na gagawin akong prinsesa.

Kasi kapatid ko may asawa na, lahat sila ako nalang wala pang asawa,” chika pa ni Mahal. Noong Nov. 2 ikinakasal sina Mahal at Jobbie sa Quezon City Hall na dinaluhan ng ilang malalapit nilang kaibigan.

Na-interview din ng Rated K ang ex-boyfriend ni Mahal na si Aries Navarro na kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi Arabia, para kunan ng pahayag tungkol sa pagpapakasal ni Mahal.

Kung matatandaan inakusahan nito ang komedyana na nanloko sa kanya – two-timer daw si Mahal.
Ngunit ayon kay Aries, ikakasal na rin siya sa kanyang bagong girlfriend kaya sana raw ay mapatawad na rin siya ni Mahal sa mga maling nagawa nito noon, “Magpatawaran na tayo, tanggap ko na meron ka ng bagong life, bagong buhay, bagong asawa na magpapasaya sa ‘yo,” anito.

Samantala, nang tanungin ni Korina kung may balak pa ba silang magpakasal sa simbahan, chika nina Mahal at Jobbie, gusto nilang magkaroon ng church wedding sa February, 2016. At sa huling mensahe ni Jobbie kay Mahal, “Gagawin ko ang lahat para sa ‘yo.

Ibibigay ko sa ‘yo buong pagmamahal ko. Mamahalin kita habang ako ay nabubuhay. I love you!”
Ilang beses ding naghalikan (lips-to-lips) ang bagong kasal sa harap ng mga camera bilang tanda ng matindi nilang pagmamahal sa isa’t isa.

Read more...