Pinoy binalaan sa pagpunta ng Paris

WALANG ipatutupad na ban sa pagpunta sa France ang Pilipinas, bagamat nagbabala ang Philippine Embassy sa France sa mga Pinoy na mag-ingat sakaling balak bumisita sa Paris matapos ang serye ng mga pag-atake ng mga terorista rito nitong nakaraang linggo.

“Everyone is requested to exercise vigilance and caution and to be aware of their surroundings, with the view to ensuring their personal security,” sabi ng Embahada ng Pilipinas sa isang kalatas.

Ito’y sa harap naman ng serye ng mga pag-atake ng mga terorista sa Paris na kung saan 129 katao ang nasawi at mahigit 300 ang nasugatan.

Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to Belgium at Luxembourg Victoria Bataclan na wala pa namang impormasyon na may mga Pinoy na apektado ng ipinatutupad na paghihigpit ng French government matapos ang
mga pag-atake.

Read more...