Mga pasahero ng MRT nabwisit sa unang araw ng pasok

MULI na namang nagkaaberya ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 Lunes ng umaga.
Sinuspinde ng MRT ang operasyon nito alas-5:55 ng umaga mula North Avenue station hanggang Ortigas Ave., station matapos ma-detect ng mga sensors na may sira rito.
Nagbalik naman sa normal ang operasyon alas-6 ng umaga.
Nauna nang sinabi ng MRT 3 at ng Light Rail Transit Ine 1 at 2 na normal ang operasyon nito kahit isinasagawa ang Asia-Pacific Economic Cooperation summit.

Read more...