POSITIBO pa rin ang mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla na bibiyayaan sila ng bagong baby matapos ngang malaglag ang kanilang triplets.
Ayon kay Mariel, unti-unti na siyang nakaka-recover mula sa pagkawala ng baby nila ni Binoe at hindi pa rin daw sila nadi-discourage ni Robin na pa-tuloy gumawa ng baby at hintayin ang bagong blessing mula sa langit.
Sa kanyang Instagram account sinabi ni Mariel na huwag nang mag-alala ang kanyang mga kaibigan at tagasuporta dahil okey na raw uli siya ngayon.
“We are not discouraged. Thank you so much for all your prayers and well wishes! God has blessed us with so much. God will never give us anything we can not handle,” pahayag ng TV host- actress.
Samantala, isang litrato rin ang ipinost ni Mariel sa IG kasama si Binoe na kuha sa Asian Hospital And Medical Center kung saan siya na-confine kamakailan. Ito’y matapos ngang sumailalim si Mariel sa proseso ng D&C o ang tinatawag na “dilation and curettage” 13 weeks after the reported miscarriage.
Narito ang kabuuan ng mensahe ni Mariel na ipinost niya sa Instagram: “Going home today after 5days! I wanted them (baby) to go na-turally. We finally let them go after 19 weeks of pra-ying for a miracle.
“God has bigger plans for us. I love you @robinhoodpadilla you are all i need. thank you for taking care of me… ta-king care of us. #acceptance #byebabies.”
Naunang nakunan si Mariel noong March matapos silang magbakasyon ni Binoe sa Spain. Muli siyang nabuntis at ibinalitang triplets nga ang nasa kanyang sinapupunan. Ngunit sa kasamaang palad nakunan uli si Mariel noong Aug. 12.