SINIGURADO ni Kris Aquino na magiging enjoyable ang first ladies luncheon na iho-host niya for the Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) kasama sina Derek Ramsay and Matteo Gudicelli on Nov. 19.
Kris invited kasi the best performers na sina Ogie Alcasid, Angeline Quinto and Erik Santos para mag-perform for the first ladies ng mga bansang imbitado sa APEC.
Say ni Kris sa kanyang Instagram account, gusto niyang ipakita sa international visitors na hindi man rich ang ating bansa ay, “We’ve been greatly blessed with immense talent & exceptional hospitality.”
Magkakaroon ng 20-minute performance ang tatlong singers para sa spouses ng mga lider mula sa Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, New Zealand, Vietnam, Hong Kong and Colombia.
Speaking of Kris, meron na naman siyang napasayang isang fan, si Rodelia Ramirez na nag-celebrate ng kanyang 67th birthday sa pamamagitan ng pagpunta sa ABS-CBN para manood ng It’s Showtime.
Ang isa pala sa dream niya ay makita nang personal si Kris na napagbigyan naman. Dinala si Mommy Delia sa set ng Kris TV para ma-meet si Kris na kasama noon sina Janice and Gelli de Belen.
Bibigyan na sana nina Janice and Gelli ng cake si Mommy Delia pero pinagsabihan silang diabetic ito.
Tuwang-tuwang ipinakita ni Mommy Delia ang collection niya ng photos ni Kris.
Bilang regalo, ipapagawa ni Kris ang dentures ni Mommy Delia. Good vibes talaga itong si Kris, ha.