Andi napaiyak sa harap ng Press, nabwisit sa pinagsasabi ni Albie: Sobrang sakit!

albie casino

 

NAPAIYAK si Andi Eigenmann noong makorner namin sa presscon na ipinatawag ni Public Attorney’s Office head na si Atty. Persida Acosta. Naging emosyonal ang aktres nang ibulalas ang kanyang damdamin sa muling pagtanggi ni Albie Casino na siya ang ama ng anak niyang si Elle.

“Bakit ba kailangang pag-u-sapan? Bakit sila sumasali? Masaya kami ng anak ko sa sarili naming buhay. Si Jake (Ejercito) kasama doon. Hindi sila kasali. Bakit sila sumasali? I would understand maybe they would hear things pero para sa akin.

I have to go to their news to talk about this when you can ask me instead, ‘di ba? Bakit hindi na lang, ‘Oy, Andi, I have been hearing something ah, may DNA test,’ ganyan-ganyan,” pahayag ni Andi.

Pero para si Andi ang lumapit kay Albie to talk about the DNA, hindi niya raw kailangang gawin ‘yun.
“Why? For them? They’re not part of this. Why do I have to give them a DNA test? I will not ask them for anything. I’m happy with my life, and, naaano ako, kasi ‘yung anak ko, e.

Masakit para sa isang ina na pag-usapan ang anak mo that way,” sabi niya. Tinanong namin siya kung ‘yung “that way” ba na sinasabi niya ay ang hindi pagkilala ni Albie na anak niya si Elle.

“Parang ganoon po or may lalaking lumalapit sa TV, ‘Ay, hindi. Hindi ko ‘yan anak.’ Tapos masaya siya about it. I mean, what did my daughter do to you, ‘di ba? It’s hurtful. It’s very painful. Yes, I know, you’re not the father. Bakit kailangan niya pang sabihin ‘yun?”

Once and for all, sino ba talaga ang tatay ni Elle?. “Si Jake? No, it’s okey. I mean, for me, my daughter is a private person. Jake is a private person. But for me, it’s been that way ever since I was pregnant. Jake was there for me.

He took care of us, for he is the father, alam mo ‘yun? Parang that’s my point lang. But I think because I say that, people think na parang iba-iba ‘yung sagot ko. But that’s all I mean by it.”

Sabi pa ni Andi, wala raw siyang plano na sabihin kung sino talaga ang tatay ni Elle, “And ‘yun nga sinasabi ko nga si Jake. But don’t twist my words. Jake has been the one that has been there ever since the beginning, and he loves my daughter like his own, and so, he’s the father.

I mean, it’s as simple as that.” Then, tinanong na namin si Andi tungkol sa movie niya na “Angela Markado” but it seems, wala sa utak ni Andi ang mga questions namin at medyo nasa-shock pa sa mga naunang tanong sa kanya, so we let her express kung ano ang nasa loob niya on that moment.

“Sorry, hindi ako maka-get over sa Albie questions. Ngayon ko lang kasi talaga nalaman kaya nagulat ako. Hindi ko alam na pinag-uusapan pa. Hindi po kasi ako masyadong nakakapanood ng TV. Sobrang sakit,” pag-amin niya sa amin.

Dagdag pa niya, “Sorry naiyak ako. Because lumalaki na ang anak ko, ang sakit noon. Ang sakit talaga, kasi, it’s not like I call him for anything. So, bakit kailangan pa nilang pag-u-sapan ‘di ba?”

May nagsabi kay Andi na pwede siyang magsampa ng reklamo sa korte para bawalan si Albie na banggitin pa in public ang tungkol sa kanyang anak lalo na’t minor pa si Ellle.

And maybe, she can seek the help of Atty. Acosta na kasama niya sa “Angela Markado” na gumaganap ding lawyer na tumulong sa kanya para makakuha ng justice sa mga nang-rape sa kanya sa movie.

Read more...