Maging gising sa banta ng terorismo

ISANG panibagong mukha ng world terro-rism ang nakita natin sa pitong lugar sa Paris noong Trece de Viernes (Sabado sa Pilipinas ng umaga). Suicide bom-bings sa sports stadium, walang habas na pamamaril sa isang concert, sa bar, isang Cambodian restaurant, at sa mataong lugar ng mga turista.

May 129 katao ang nasawi, 300 ang sugatan at 80 ang serious, samantalang walong attackers (umano’y mga batang French nationals) ang napatay, pito rito ay sa pamamagitan ng sariling explosive belts.
Diumano, tatlong “cells” mula Belgium ang nagsagawa ng “coordina-ted” at “multiple” na paglusob sa Paris.
Inamin ng Islamic Caliphate (ISIS), grupong binuo mula sa nagrebolusyong mga bansang Iraq at Syria, ang Paris attacks at sinabing ito ay “first of the storm,” o una pa lang sa darating pang bagyo sa Western countries.
Nitong Oktubre, niyanig ng ISIS ang buong mundo sa pagbagsak ng isang Russian Metro jetliner na may sakay na 224 katao sa Sinai desert sa Egypt.
Isang mensahe sa buong aviation industry at sa mga taong sumasakay ng eroplano na hindi tayo ligtas sa kanilang banta. Kung susuriin, ang pag-atake ng ISIS sa France sa panahon ang buong gobyerno nito ay nasa “high alert, ay isang nakakarinding “wake-up call” sa mundo lalo na sa Pilipinas na magdaraos ngayong linggo ng APEC summit.
Tandaan natin na 21 world leaders ang dadalo rito kasama ang US, China, Japan, Australia, Canada atbp. Noong una, marami ang pumupuna kung bakit nagdesisyon ang Malacanang na i-shutdown ang Metro Manila para lang sa seguridad ng mga bisita.
Matapos ang Paris attacks, mukhang pumabor ang sitwasyon at ngayon, naiintindihan ng taumbayan ang mga “security protocols.”
Pero, kung ako ang tatanungin, dapat talaga ay sa Clark o Subic na lang ginanap ang APEC Summit. Katunayan, pupunta pa nga si Obama sa Subic para sumakay sa isang US Navy frigate na magpapatrulya sa South China Sea.
Sa ngayon, ang banta ng ISIS sa Pilipinas ay mula sa mga radikal na nagtutulak na magtayo ng “caliphate” sa Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Ito’y hango sa dating grupong Jemaah Islamiyah” na nagpasabog sa Bali, Indonesia kung saan higit 300 ang namatay. Ayon sa latest reports, merong mga Malaysian members ng ISIS ang narito sa Pili-pinas at nakikipag-alyansa sa Abu Sayaff at mga rebeldeng Muslim factions upang maitayo ang kanilang “caliphate”. Sa aking palagay, hindi mangyayari sa Metro Manila o sa mga urban cities natin ang ginawang hiwa-hiwalay na pag-atake ng ISIS tulad sa Paris.
Of course, nagawa nila ang Rizal Day bombing ng LRT1, ang pagsunog sa barkong Superferry at ilang pagsabog sa Mindanao. At marami sa kanila ang nahuli at na-patay.
Pero, ang pinakadelikadong dapat bantayan ng husto ay itong mga airport natin. Hindi dapat malusutan ito ng mga bomba o “suicide bomber” kung meron man. Tigilan na yang ta-nim-bala at magtrabaho na. Kung magpapasikat ang mga ISIS cells dito sa Southeast Asia, ang airlines ay isa lamang sa maraming “vulnerable targets.”
Pero sa aking paniniwala, hindi matutuloy ang alin mang terorismo sa bansa, kung mananatiling “gising na gising” tayong lahat na mga Pilipino.

Read more...