Jessy: Huwag kayong mapanghusga, hindi kayo Diyos! ipagdarasal ko na lang kayo!

jessy mendiola

TALAGANG ayaw tantanan ng mga bastos at laiterang bashers si Jessy Mendiola. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang sinisisi kung bakit napapariwara na naman ang career ni JM de Guzman.

Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato ng ilang netizens kay Jessy, lalo na ng fans ni JM. Sana raw ay makunsensiya ito sa ginagawang panggagamit sa aktor.

Nag-aalala kasi ang fans ni JM na baka kung ano na naman ang gawin nito dahil sa matinding depresyon. Paniwala kasi ng iba ay may pinagdadaanan na namang problema ang aktor dahil na rin sa mga ipino-post nitong mensahe at litrato sa Instagram.

Ayon sa isang follower nina JM at Jessy sa IG, sana raw ay huwag nang balikan ng aktres ang binata kapag naging maayos na uli ang buhay nito dahil baka tuluyan nang mawasak ang buhay ni JM nang dahil sa kanya.

Dito na nag-react si Jessy, halatang nasaktan ito sa mga paratang ng mga netizen sa kanya. Sana raw ay huwag siyang husgahan ng mga ito dahil hindi nila alam ang tunay na mga nangyayari kay JM.

“Hindi mo pala alam nangyari samin, eh. So wala kang karapatan husgahan ako. Ang hindi ko maintindihan sa mga taong ‘to, masyado kayong nanghuhula sa mga nangyari at sa mga desisyon namin.

“Tao din ako at may puso ako, nagmahal lang ako at nasaktan din. Wag kayong masyadong mapanghusga, hindi kayo Diyos. Hindi niyo alam LAHAT. “Sana matauhan na kayong lahat at magising sa mga sarili niyo.

Kung kayo ang nasa posisyon namin, sigurado akong sobrang sakit din nito sa mga puso (niyo). At ang pinakamalala pa sa inyong mga nanghuhusga, hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon. Pagdadasal ko na lang kayong lahat,” pahayag ni Jessy.

Read more...