‘Angela Markado’ ni Lino Brocka bubuhayin ni Carlo J. Caparas

carlo caparas

Samantala, balik nga sa pagdidirek si Carlo J. Caparas, at ang comeback film nga niya ay ang classic movie na “Angela Markado” na pinagbidahan noong 1980 ni Hilda Koronel sa direksiyon ni Lino Brocka.

Si direk Carlo ang sumulat nito at ngayon nga ay muli niyang bubuhayin ang karakter ni Angela Markado kasama ang kanyang asawang si Donna Villa to be released by Viva Films.

Sa presscon ng pelikula nitong nakaraang Huwebes, si-nabi ni direk Carlo na bilib na bilib siya sa pagiging aktres ni Andi dahil naibigay nito ang lahat ng kailangan sa eksena. Game na game rin daw ang dalaga sa lahat ng ipinagawa niya sa pelikula.

Sey naman ni Andi, “When Direk Carlo offered me the role of Angela Markado, parang nalula ako. Lalo na nang sinabi niya sa akin na magkatuwang naming gagawing markado ang pelikula para finally maging markado rin ang pagiging aktres ko.”

Ang “Angela Markado” ay kuwento ng isang dalagang biktima ng gang rape na gagawin ang lahat para makapaghiganti sa mga nanggahasa sa kanya. Ang gaganap na rapists ni Andi sa “Angela Markado” ay sina Epi Quizon, Polo Ravales, Felix Roco, CJ Caparas at Paolo Contis.

Mapapanood na ito ngayong darating na Disyembre. Kasali rin sa movie sina Mika dela Cruz, Ysabelle Peach, Bugoy Cariño, Buboy Villar, Ana Roces, Bret Jackson, Kayla Acosta, Marita Zobel at Bembol Roco.

May special participation din dito si PAO (Public Attorneys Office) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na siyang na-ging punong-abala sa ginanap na presscon ng “Angela Markado”.

Sinamantala na rin kasi ni Atty. Acosta ang pagkakataon na makausap ang entertainment press para sa latest developments sa mga kasong hinahawakan ng PAO.

Kabilang na nga rito ang offer nilang libreng serbisyong legal sa mga kababayan nating OFW na nabiktima ng ta-nim-bala sa NAIA. Handa raw gawin ng mga abogado ng PAO ang lahat para ma-tulungan ang mga ito.

Sa katunayan, ipinakilala pa ni Atty. Persida sa showbiz press ang ilan sa mga biktima ng tanim-bala. –

Read more...