Grace dehado sa pakikipag-away kay Sheryl

grace poe

ILANG buwan na ring tumatakbo ang isyu between cousins Sen. Grace Poe and actress Sheryl Cruz. Ito’y tungkol sa lumang kuwentong kumalat noon that Grace is actually the daughter daw of Rosemarie Sonora (Sheryl’s mom) kay late President Ferdinand Marcos.

Bata pa kami noong kumalat ang isyung iyan and walang linaw kung talagang totoo iyon o hindi. Basta it stayed lang that way until Sen. Grace surfaced as a presidential aspirant.

Nagsimula lamang ang kontrobersiya between the two women nang mag-comment yata si Sheryl na alanganin pang tumakbo si Sen. Grace sa pa-nguluhan – maybe puwede na ito sa next polls pero not for next year.

Minasama ito ng kampo ni Grace Poe – they made it come out na nilaglag siya ni Sheryl. Kung anu-anong pagbatikos ang ginawa ng kampo ng senadora kay Sheryl kaya walang choice ang aktres but to fight back.

Hanggang sa naungkat na naman ang lumang kuwento about Sen. Grace being the daughter of Sheryl’s mom, etcetera, etcetera.  Alam niyo, wala namang magandang kauuwian ang ba-ngayan ng magpinsang ito, kanegahan lang ang dulot nito sa pagtakbo ni Sen. Poe sa panguluhan next year.

If I were Sen. Grace, mananahimik na lang ako para hindi na rin magsalita si Sheryl. The more na pumapatol sila sa mga nasabi o sasabihin pa ng aktres ay the more na mauuwi sila sa kangkungan.

Hindi rin naman madali para kay Sheryl ang manahimik dahil nga nadadamay na sa isyu ang kanyang ina. Naging running joke na kasi ang pagtatawagan nina Sen. Grace and Sen. Bongbong Marcos ng “sis” and “bro”.

Na-offend si Sheryl kasi nga parang kinukumpirma raw ng dalawa na totoong magkapatid sila. Nakakaloka, di ba?  Hindi raw natutuwa si Sheryl kaya lalo siyang napipikon.

Kaya dapat manahimik na lang muna ang kampo ni Sen. Grace dahil hindi ito makakatulong sa kaniyang political career. Tama?

Read more...