Tapat ba ang BF na Americano?

Sulat mula kay Isabel ng San Vicente, Sumilao, Bukidnon

Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ako sa ngayon na isang Amerikano. Nakilala ko siya sa internet, naka-chat hanggang sa tumagal na nang tumagal ang pagkakaibigan namin at naging boyfriend ko na nga siya. Ganoon pa man, kahit halos sa araw-araw ay nagtsa-chat kami may kaba sa dibdib ko na baka niloloko nya lang ako. Matagal na niyang sinasabi na dadalaw siya sa akin dito sa Pilipinas, pero hindi naman niya ginagawa. Puro pangako lang siya. Kaya lalong lumakas ang kutob ko na baka may iba siyang girlfriend o baka may asawa na siya. Paano ko po ba malalaman kung tapat siya sa akin at totohanin kaya niya ang kanyang pangako na magbi-visit daw siya dito sa atin para magkita kami nang personal next year? February 10, 1990 ang birthday ko at October 13, 1982 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Isable ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na dapat lang na itigil mo na ang iyong pag-aalala at paghihinala ng di maganda sa iyong boyfriend. Ang guhit sa iyon palad ang kumumpirma na anu’t-anoman ang mangyari, tiyak ang magaganap—kahit nasa malayo siya ay kayo na nga ang magkakatuluyan at masasama habangbuhay.

Cartomancy:
Ten of Hearts, Six of Hearts at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2016 ay tiyak ang magaganap. Bibisitahin ka na ng Ame-rikanong boyfriend mo dito sa Pilipinas at sa panahong ito ay lalo kang mai-in love sa kanya at ganoon din naman siya sa iyo.

Itutuloy

Read more...