Hiling ni Pokwang kay Lee: Bigyan niya ako ng anak!

LEE O'BRIEN AT POKWANG

LEE O’BRIEN AT POKWANG

INAMIN ni Pokwang sa Tonight With Boy Abunda na pabalik na ulit sa bansa ang Amerikanong boyfriend niyang si Lee O’Brien sa Nob. 17 at susunod din ang magulang nito sa Enero 2016.

Nagtanong na agad si kuya Boy kung may magaganap ng pamamanhikan dahil bakit lilipad ng Pilipinas ang magulang ni Lee, pero puro tawa lang ang sagot ng isa sa lead cast ng “Wang Fam” under Viva Films.

Sa tanong kung napag-uusapan na nina Pokwang at Lee ang kasal at kung may plano na at kailan, ayon sa komedyana ay napag-uusapan naman pero hindi pa nagpo-propose si Lee. “Pero nirerespeto ko siya kung ano ang desisyon niya. Basta manalig na lang tayo,” sagot ng aktres.

Iisa lang ang kahilingan ni Pokwang, “Bigyan niya (Lee) ako ng anak.” Ito rin ang nabanggit ng komedyana sa presscon ng “Wang Fam” noong Miyerkules na kapag nabuntis siya ulit ay talagang totally bed rest siya dahil nga mahina ang kapit ng bata.

Samantala, mapapanood na ang “Wang Fam” sa Nob. 18, nationwide kasama sina Benjie at Andre Paras, Candy Pangilinan, Atak Arana, Dyosa Pockoh, Joey Paras, Abby Bautista, Yassi Pressman, Wendell Ramos at Alonzo Muhlach mula sa direksyon ni Wenn Deramas.

Read more...