Jiro Manio malapit nang gumaling; binigyan pa ng b-day surprise si Ai Ai

AI AI DE LAS ALAS AT JIRO MANIO

AI AI DE LAS ALAS AT JIRO MANIO

SI Ai Ai naman ang nakatikim ng pang-ookray mula sa ilang AlDub fans. Minamaliit pala ng mga ito ang effort ng cast ng Sunday show ng GMA 7 kaya napilitan si Ai Ai na magsalita.

Meron yatang nangmaliit sa kanyang participation sa show kaya naman i-pinagparangalan niya ang box office movies niyang “Tanging Ina Nyong Lahat”, “Ang Tanging Ina: Last Na ‘To”, “Sisterakas” at “Enteng Ng Ina”.

Anyway, marami ang na-turn off sa ginawa ng fans kay Ai Ai. “The reason why nawawalan ako ng gana lately sa AlDub bcoz of the fantards. Mga AlDub fans ba talaga yan?” say ng isang Ai Ai fan.
“Ang dami talagang naglipana na mga nega na fans, sa sobrang pagkafantard nakakalimutan na ang salitang Respeto,” komento naman ng isa pa.

“Number 1 supporter nila si Ai Ai Delas Alas ginaganyan din nila… Tsk tsk tsk di na nakatiis nagsalita na,” say naman ng isa pa.

Anyway, tuwang-tuwa si Ai Ai sa birthday greeting video na ginawa para sa kanya ni Jiro Manio. Sa kanyang excitement ay ipinost niya sa kanyang Instagram account ang video greeting with this caption, “GRABE GREET NYA KO — aside sa greetings ng mga anak ko eto pa ang isang d best .. Thank you nak sa surprised and DRA ARCENA SALAMAT SA VIDEO NI jiro.. #kontenalang.” Na ang tinutukoy ay ang paglabas ni Jiro sa rehab.

Read more...