AYAW ni Kylie Padilla na mag-pose nang nakahubad sa anumang men’s magazine. Feeling niya, wala naman itong maitutulong para mas bumongga ang kanyang showbiz career.
Sa press launch ni Kylie bilang unang celebrity endor-ser ng US whitening product na Relumins, ipinagdiinan nito na kung maghuhubad man siya, dapat daw may matin-ding impact itong maiiwan sa publiko.
In fairness, swak na swak si Kylie bilang ambassador ng Relumins dahil nga napakakinis niya at napakaputi. Sabi nga ng mga taga-RSG International, ang may gawa ng Relumins soap and lotion, si Kylie raw talaga ang first choice nila dahil bukod sa natural beauty ng dalaga, wholesome rin ang image nito.
Tinanong namin ang Kapuso actress kung ibabandera niya sa buong mundo ang kanyang kaseksihan at pagiging flawless sa men’s magazine.
“Napag-isipan ko na kasi yan, e. Ayoko talaga. Kasi, sa magazine, madali kang makakalimutan kahit nagpakita ka na ng skin. After ng issue, wala ka na! Gusto ko naman may meaning, may impact. Ayoko nu’ng basta ganu’n lang, I mean like what the other girls did. I want to do something na memorable, yung matatandaan ng mga tao for a long time,” aniya.
Samantala, sa presscon ng Relumins natanong si Kylie kung may nagugustuhan na siyang showbiz guy ngayon. Inamin nitong attracted siya sa leading man niya sa GMA afternoon series na Buena Familia – si Martin del Rosario. Pero aniya, hindi naman ibig sabihin nito na gusto na niyang dyowain ang binata.
“Close talaga kami ni Martin. Tsaka matalino rin si Martin, in fairness sa kanya. Pero wala pa ako du’n sa point na gusto kong maging tayo na…basta tingnan natin.”
Dagdag pa ng aktres, walang effort ang relasyon nila ni Martin as special friends, “Puwede akong di naka-make up, di nakaayos, pero kumportable pa rin ako. And maganda foundation ‘yun (sa seryosong relasyon). Yun ang gusto natin.”
Ano naman ang masasabi niya sa mga tsismis tungkol sa tunay na kasarian ni Martin, “Actually, masaya kami. I’m not thinking, ‘Magiging boyfriend ko ‘to.’ If ever man na totoo ang mga ganyan, I accept him the way he is. Yun ang totoong magkaibigan.”