Senado sinimulan na ang imbestigasyon sa tanim-bala scam

tanim bala
SINIMULAN na ng Senado ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na tanim-bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Humarap ang apat na umano’y biktima ng tanim-bala, kabila na ang overseas Filipino worker (OFW) na si Gloria Ortinez, American missionary na si Lane Michael White, Rufina Cruz, at Rowena Otic.
Pinamunuan ng Senate blue ribbon committee at Senate committee on public services ang imbestigasyon hinggil sa kontrobersiya.
Kabilang naman sa mga opisyal na inimbitahan para humarap sa pagdinig ay sina Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, Manila International Airport Authority General Manager Jose Honrado, Philippine National Police-Aviation Security Director Chief/Superintendent Pablo Francisco Balagtas, Office for Transportation Security Administratior Rolando Recomono, Manuel Antonio Eduarte, director ng National Bureau of Investigation Task Force on “Tanim-Bala.”

Read more...