Walang pampakasal (2)

Sulat mula kay Alvin ng Poblacion, Norte, Don Carlos, Bukidnon
Problema:
1. May girlfriend ako at matagal na ang relasyon namin, magpo-four years na kami sa darating na December 25, at madalas na ring may nangyayari na sa amin at nasa tamang edad na rin kami para mag-asawa. Ang problema ay wala kaming pera na pampakasal lalo na at ang gusto ng girlfriend ko at ng mga magulang nya kahit simple lang daw ay sa simbahan kami makasal. Pero paano mangyayari yon, pareho lang kaming factory worker ng girlfriend ko sa isang maliit na pabrika. Sa palagay nyo, matutupad kaya ang pangarap ng girlfriend ko at ng mga magulang nya na makasal kami sa simbahan kahit wala kaming ipong pera.
2. Nakikita din po ba sa guhit ng palad kung ang isang tao ay biglang magkakapera ng malaki-laking halaga ha-limbawa ay mananalo sa lotto para mapagbigyan ko na ang girlfriend ko at biyenan ko na makasal kami sa simbahan? August 10, 1986 ang birthday ko at April 7, 1988 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Alvin ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) Aries naman ang girlfriend mo ang nagsasabing tugma at compatible kayo, dahil dito, basta manatili lamang kayong umaasa na magkakapera kayo ng malaking halaga, siguradong ito ay matutupad – makikita mo bigla kayong makakasal sa simbahan.
Numerology:
Ang birth date mong 10 at 7 naman ang girlfriend mo ay nagsasabing may bigla kayong suwerte sa buwan ng Nobyembre, Disyembre, Enero at Pebrero, higit lalo sa mga numero at petsang 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, at 28.

Luscher Color Test:
Basta’t lagi lang kayong magsusuot ng kulay na berde, dilaw at pula, ng girlfriend mo, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2015 hanggang 2016 bigla kayong magkakapera ng malaking halaga, sapat upang sa susunod na taong 2016 ay makasal kayo sa simbahan.
Huling payo at paalala:
Alvin ayon sa iyong kapalaran, sa darating na 2016 tulad ng nasabi na, kusang matutupad ang plano o balak nyong pagpapakasal sa simbahan, dahil hindi matatapos ang taong it ng 2015, bigla kayong magkakaroon ng malaking halaga sa isang hindi inaasahang pangyayari, sa panahong iyon, ipa-plano nyo na ng masaya at maligaya ang inyong gagawing pagpapakasal sa 2016 sa buwan ng Hunyo, na ang nasabing pagpapakasal ay hahantong naman sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Read more...