SINABI kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na handa na siya sa kanyang pangatlong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2016 sa kabila ng kanyang cancer.
“Yes, I’ve been through this several times,” sabi ni Santiago nang tanungin kung kakayanin niya ang bigat ng kampanya.
Idinagdag ni Santiago magaling na natalo na niya ang kanyang stage four na lung cancer dahil sa “very advanced cancer medication.”
“Well, I am in the stage that is a result of very advanced cancer medication. People are not aware of it and I am glad that I am given the opportunity to make people know that the situation has changed completely. In effect nobody dies from cancer anymore,” sabi ni Santiago.
Ayon pa kay Santiago, bagamat napakamahal ng kanyang medikasyon para sa kanyang cancer, kampante siyang maisusulong niya ang kanyang kandidatura sa tulong ng mga magbibigay ng kontribusyon.
“As long as my contributors will be able to help me survive, I will be able to finish the campaign and even win it,” dagdag ni Santiago.
Nauna nang hiniling ng mga kritiko na isapubliko ni Santiago ang estado ng kanyang kalusugan para matiyak na nararapat siyang tumakbo sa pagkapangulo.
“I think the better way of testing the capability of presidential candidates is not the strength of their machinery or their organization but the strength of their brains,” dagdag ni Santiago.
Noong 1992, tumakbo si Santiago sa pagkapangulo, bagamat natalo kay dating pangulong Fidel Ramos.
Muli siyang tumakbo noong 1998, ngunit natalo muli kay dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.