Janella, Julia bibida sa MMK, magtatagisan sa drama

julia barretto

MAGSASAMA sina Julia Barretto at Janella Salvador para bigyang buhay ang nakakaantig na kwento ng magkapatid na susubukin ang pagmamahal sa isa’t isa kahit na “magkaiba” ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN hosted by Charo Santos.

Fraternal twins sina Abigail (Julia) at Amabelle (Janella). Lumaki silang malapit sa isa’t isa hanggang sa pagpasok ng high school ay unti-unti nang lumabas ang kanilang malaking pagkakaiba.

Mapabahay man o paa-ralan, ikinukumpara ang dalawa sa isa’t isa na siyang naging ugat ng selos sa pagitan ng magkapatid, lalo na kay Amabelle.

Sa pagkakalayo ng kanilang loob, manumbalik pa kaya ang dating malapit na samahan? Paano pa susubukin ang kanilang pagiging magkapatid?

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Jake Roxas, Aleck Bovic, Jillian Aguila, Allyson Mcbride, Mccoy De Leon, at Karen Reyes. Ito’y sa direksyon ni Frasco Mortiz, sa panulat ni Benson Logronio.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Read more...