Nasawi ang isang security guard ng Batangas Port matapos barilin ng isa umanong vendor kaninang madaling-araw.
Baril ng guwardiyang si Victor Basco, ng Mandarin Security Agency, ang ginamit na pambaril sa kanya ng salarin, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Naganap ang insidente sa gate ng Batangas Port, na nasa Brgy. Sta Clara, Batangas City, dakong alas-12:15.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na pumasok sa gate ang isang vendor at sinaway ito ni Basco, pero nagalit ang una, inagaw ang kalibre-.9mm pistola ng guwardiya, at saka ito pinutok sa dibdib ng huli.
Isinugod pa si Basco sa St. Camilllus Hospital, ngunit binawian ng buhay habang nilulunasan, ayon sa pulisya.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin, na agad tumakas matapos ang insidente.
– end –