Balita kasing nagtampo si Tetay sa kanya pagkatapos nilang mag-guest ng kanyang asawang si Priscilla Mereilles sa Kris TV kamakailan.
Ayon sa mga chika, na-offend daw kasi ang TV host-actress sa naging biro ni John na may kinalaman kay Joey Marquez, nakarelasyon noon ni Kris.
“Hindi ko alam yun! Hindi ko alam.Ang alam ko, we’re okay… hindi ko alam yung isyu na iyan,” depensa ni John nang makachikahan siya ng press.
Say ng aktor, wala siyang naalalang masamang sinabi kay Kris, nagbibiruan lang daw sila sa Kris TV, at hindi naman daw niya nakitang nainis o napikon si Tetay.
Friends daw sila ng TV host.
Hindi raw siya aware na napikon si Kris sa kanya.
Masaya pa nga raw sila after ng show hanggang sa magpaalam na sila ni Priscilla.
“Ganu’n lang naman talaga kami, e. We’re okay.
Hindi ko talaga alam iyan. Dati pa naman ‘yun, binibiro ko lang siya talaga.
I don’t know kung na-offend siya, medyo shocked ako.
Ngayon ko lang nabalitaan iyan,” say pa ni John.