Walang pampakasal

Sulat mula kay Alvin ng Poblacion, Norte, Don Carlos, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,

May girlfriend ako at matagal na ang relasyon namin, magpo-four years na kami sa darating na December 25, at madalas na ring may nangyayari na sa amin at nasa tamang edad na rin kami para mag-asawa. Ang problema ay wala kaming pera na pampakasal lalo na at ang gusto ng girlfriend ko at ng mga magulang nya kahit simple lang daw ay sa simbahan kami makasal. Pero paano mangyayari yon, pareho lang kaming factory worker ng girlfriend ko sa isang maliit na pabrika. Sa palagay nyo, matutupad kaya ang pangarap ng girlfriend ko at ng mga magulang nya na makasal kami sa simbahan kahit wala kaming ipong pera. Nakikita din po ba sa guhit ng palad kung ang isang tao ay biglang magkakapera ng malaki-la-king halaga halimbawa ay mananalo sa lotto para mapagbigyan ko na ang girlfriend ko at biyenan ko na makasal kami sa simbahan? August 10, 1986 ang birthday ko at April 7, 1988 naman ang birthday ng girlfriend ko.

Umaasa,
Alvin ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Guhit ng Biglang Suwerte sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.), ibig sabihin, may pagkakataon o mga sandaling bigla kang magkakapera ng malaking halaga, maaaring sa biglang pakikipag-sapalaran o bigla kang makapulot ng malaking halaga, higit lalo tuwing sasapit ang buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre.

Cartomancy:
“Tuloy ang kasal sa simbahan may pera man o wala” – ito ang nais sabihin ng Queen of Herats, Nine of Hearts at King of Hearts (Illustration 1.). Ibig sabihin dahil wagas at tunay kayong nagiibigan ng girlfriend mo, pagpapalain kayo ng tadhana, kahit sa paanong paraan matutuloy ang inyong kasal sa simbahan.

Itutuloy….

Read more...