Angelica na-shock sa mga susunod na pasabog nina Amor at Claudia sa PSY
WALA nang mahihiling pang materyal na bagay si Angelica Panganiban sa kanyang buhay. Kuntento at maligaya na siya kung anuman daw ang meron siya ngayon.
Kamakailan ay nag-celebrate ng kanyang birthday si Angelica at natanong nga kung ano ang kanyang wish, “Parang sa ngayon kasi sobrang saya na ang lahat, parang maayos ang health ng pamilya ko, ng mga taong mahal ko, ng mga kaibigan ko so kung pwede lang sana magtuloy-tuloy kung anong meron ngayon.
“So ‘yun lang talaga wish ko ‘yung masaya, makapagtrabaho, at the same time may pahinga pa rin, ‘yun lang,” anang girlfriend ni John Lloyd.
Feeling ba niya natupad na niya ang lahat ng mga pa-ngarap niya sa buhay sa edad niya ngayon?
“Parang ang hirap sabihin non. Kahit may mga matatanda na akong kaibigan or mas mature talaga sa akin, iba nga retired na, parang hindi mo talaga na (masasabi) na na-achieve mo na lahat kasi parang everyday, habang buhay ka naman may bago at bago kang gustong subukan.”
Sey pa ni Angelica, kung may isang wish siya noong birthday niya, ito’y para sa gag show nila sa ABS-CBN na Banana Sundae (kapalit ng Banana Split na napapanood noon tuwing Sabado ng gabi) na magsisimula na sa darating na Linggo. Sana raw ay maging maganda ang pagtanggap ng madlang pipol sa kanilang programa kahit na inilipat na sila ng araw at timeslot.
Bukod dito, hinikayat din ni Angelica na patuloy na tutukan ang Primetime Bida series nilang Pangako Sa ‘Yo na pinagbibihan nina Daniel Padilla at Kathrynm Bernardo with Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion lalo na nga-yong mas tumitindi na ang sagupaan sa pagitan nina Amor Powers at Madam Claudia.
“Sobrang dami pang mangyayari kay Claudia, as in, nakakagulat na pati kami napapabitaw kami ng script namin, hindi, seryoso talaga hindi ko ino-OA. Ngayon kasi napunta na, nalipat na ‘yung attention ni Amor (Jodi).
“Kumbaga may galit na siya ngayon kay Claudia. Dati naman wala naman siyang bubog kay Claudia. So ito na ‘yung simula ng giyera,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.