Droga ugat ng masaker sa Bulacan

baliwag
Iligal na droga nasisilip na pinag-ugatan ng pamamaril na ikinasawi ng lima katao sa isang apartment unit sa Baliwag, Bulacan, ayon sa pulisya kahapon.

Natagpuan na lang na patay at may mga tama ng bala sina Axel John Batac, 21; ang live-in partner niyang Angel Romero; Mark Christian Borgonia, 16; Alvin Cruz, 42; at isang alyas “Kamote” sa apartment unit sa Garnet st., Brgy. Sabang, ayon sa naantalang ulat ng Bulacan provincial police.

Nadiskubre ang mga bangkay pasado alas-12 ng madaling-araw Linggo, pero pinaniniwalaan na pinatay ang lima sa pagitan ng alas-5 ng hapon at alas-9 ng gabi Sabado, ayon sa ulat.

“This incident is possibly drug-related considering that several drug paraphernalia were found at the crime scene,” sabi ni Chief Inspector Romeo Maglangque, hepe ng investigation section ng provincial police, sa kanyang ulat.

Sa kabila nito aniya ay di pa matukoy kung sino ang nasa likod ng masaker.

Napag-alaman naman na ang silid kung saan natagpuan ang mga bangkay ay inuupahan nina Batac at Romero, habang ang bahay ay pag-aari ng isang Mark Anthony Johnson.

Read more...