Hindi umano lubhang nakakapinsala kay Sen. Grace Poe ang mga inihahaing disqualification case laban sa kanya.
Pero ayaw namang balewalain ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang mga naghahain ng kaso dahil hindi umano basta-bastang tao ang mga ito.
“It’s not helping Grace (Poe) any but on the other hand, I don’t know whether it is as damaging to her as much as some people think,” ani Belmonte.
Nang tanungin kung nakikinabang ba ang pambato ng administrasyon na si Mar Roxas sa mga inihahaing disqualification case laban kay Poe, sinabi ni Belmonte: “I guess it’s helping everybody, hindi lng sya pati ibang (not only him but other) opponents.”
Kabilang sa mga naghain ng kaso laban kay Poe sina dating Sen. Kit Tatad at Dean Amado Valdez ng University of the East College of Law.
Makikita umano sa paghahain ng mga kaso kay Poe na isa itong importanteng bagay.
“I just shows how the position is important, I don’t think if she was running for a lower position, anybody would bother,” ani Belmonte.
MOST READ
LATEST STORIES