Kung magpapadala ng sertipikasyon ang Malacanang, maaari umanong maaprubahan na ng Kamara de Representantes hanggang sa ikatlong pagbasa ang panukalang dagdag-sahod sa mga empleyado ng gobyerno.
Ayon kay House majority leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II inaasahan nila na maipapasa na ng House committee on appropriations ngayong umaga ang Salary Standardization Law of 2015.
“Kung darating ang sertipikasyon ng Malacanang at by a stroke of luck ay magkaroon kami ng quorum tomorrow evening o tomorrow afternoon (Wedesday) dont be surprised kung maaprove naman on second and third reading bukas,” ani Gonzales.
Sinabi ni Gonzales na wala siyang inaasahang haharang sa panukala maliban na lamang sa mga kongresista na ang gusto ay dagdagan pa ang itataas ng sahod ng may 1.3 milyong kawani ng gobyerno.
“Kung meron mang mag oppose dyan yun eh ang gusto nila taasan pero hindi dahil pigilan o bawasan,” dagdag pa ng solon.
Ayon kay Gonzales hindi makatwiran ang nais ng isang militanteng kongresista na kung tutuusin ay gawing pantay ang sahod ng manager at utility personnel.
Taas-sahod sa gobyerno kayang ipasa sa loob ng isang araw
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...