Ayon kay Xian, isa raw siya sa mga natutuwa na magkakatrabaho uli ang dalawa, “Walang pressure or threat, kasi even before I came, e, napapanood ko na naman sila.
So I would say I am a fan and I’m happy for them.
“Again, nu’ng nasa States pa lang ako, pinapanood ko naman sila.
Kimerald sa My Girl pa, I admit na naging fan naman ako, e. Cool kasi, di ba, nakikita ko na naman sila?
“Before sa TV, I didn’t really expect na from… before napapanood ko lang sila and then nakakatrabaho ko na. Especially si Gerald,
I didn’t even think na maka-work ko siya.
Dati nagba-basketball lang kami. Kapatid ko lang siya sa court,” chika ni Xian na leading man naman ni Kim sa seryeng Ina Kapatid Anak sa Primetime Bida ng ABS.“Siyempre, di ba, supportive naman ako, e, sa lahat ng movie ng Star Cinema… sa lahat, everything,” hirit pa ng aktor.
Anyway, simula kagabi, mapapanood na ang Ina Kapatid Anak sa mas pinaagang oras, 8:15 p.m., sa Primetime Bida.
Ito ang pumalit sa nagtapos na Walang Hanggan.
Siyempre kasama pa rin dito sina Maja Salvador, Enchong Dee, Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Gutierrez.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, paano nga mababago ang buhay ni Celyn (Kim) ngayong pumasok na siya sa buhay ng kanyang mga tunay na magulang na sina Beatrice (Janice) at Julio (Ariel)?
Malaman kaya agad nina Celyn at Margaux (Maja) ang katotohanan sa kanilang nakaraan?
Huwag palampasin ang kuwento ng pakikipaglaban para sa karapatan, Ina Kapatid Anak, gabi-gabi, pagkatapos ng Princess And I.