Very cool lang sumagot ang dating PBA star player na si Benjie Paras sa mga kontrobersiyal na issue na kinasasangkutan niya at ng dalawang mga anak na sina Andre at Kobe Paras.
Nauna nang tumanggi si Benjie na magsalita tungkol sa pagsuko na raw ng kanyang ex-wife na si Jackie Forster sa pagsuyo kna Andre at Kobe, “Ayoko nang mag-comment kasi paulit-ulit na lang.
Kapag nag-comment ako, lumalala lang, so it’s better for me to keep quiet. Yung mga anak ko na lang, nasa tamang edad naman na sila.” Pero sang-ayon din naman ang komedyante na darating din ang araw na magiging maayos na ang lahat, “Oo naman, lahat naman tayo ganu’n.”
Para sa ilang bashers, siya raw ang kontrabida sa pag-aayos ng mga anak niya at ni Jackie, reaksiyon ni Benjie rito, “Sanay na po ako. Sa lahat naman po, sa ganitong sitwasyon, there will always be two sides of the coin.
Whichever yung lu-mabas, I don’t care. Ako naman, masaya ako sa buhay ko ngayon, masaya ang mga anak ko.” Inamin din niya na hindi lang silang mag-aama ang bina-bash ng netizens kundi pati na rin ang misis niyang si Lyxen Diomampo.
Nasasaktan ba siya para sa kanyang asawa? “Kapag may lumalabas na ganu’n at nababasa ng mga anak ko, pupuntahan lang siya, niyayakap siya palagi. Sabi ko, hindi kami apektado. Matapang sa buhay ‘yun.
Teacher din kasi kaya alam niyang i-handle.” Ano ang feeling niya na mas napalapit ang dalawa niyang anak sa kanilang stepmother kesa kay Jackie na tunay nilang ina? “Ano ba ang masasabi ko?
Sa akin kasi, I’m living a normal life and for me, this is normal, yung nangyayari ngayon. So parang, lahat ng mga negative na sinasabi ng iba, hindi ko alam, e.”