May huling pasabog sina Jennylyn at Dennis

dennis trillo

SA huling linggo ng My Faithful Husband sa GMA Telebabad, narito ang ilan sa mga eksenang dapat n’yong tutukan ngayong gabi: Pupuntahan ni Mel (Jennylyn Mercado) si Aliyah sa morgue, paulit-ulit humihingi ng tawad na wala silang nagawa para iligtas ito.

Magkakaayos na rin sina Mel at Mylene (Louise delos Reyes). Pupuntahan naman ni Lorenz (Nonie Buencamino) si Cedes (Snooky Serna) sa city jail, para sabihing patay na si Aliyah.

Hindi matatanggap ni Dean (Mikael Daez) na patay na si Aliyah. Lorenz tells Emman (Dennis Trillo) na siya na ang bahalang mag-asikaso kay Aliyah, pero hindi papayag si Emman na wala siyang gawin para sa anak.

Susugurin ni Dean si Mel, gustong malaman kung nasaan si Emman – dahil para sa kaniya, si Emman ang dahilan kung bakit namatay si Aliyah. Sasabihin ni Dean kay Mel na hindi naman totoong anak ni Emman si Aliyah, kaya hindi nito ginawa ang best para sa anak nila.

Ning tries to tell Mel na umuwi na ang kapatid niya, pero mali ang magiging intindi ni Mel dito – sasabihin sa natitirang anak na isa nang angel si Aliyah ngayon na magbabantay sa kanila.

Pupuntahan ni Emman si Mel sa kuwarto nila, pero mahaharang siya ni Mylene – na siya ring nagtataka kung bakit iniiwasan ng kapatid si Emman.

Habang namimili ng damit na ipasusuot sa katawan ni Aliyah, magbe-breakdown si Emman. Kakausapin ni Dean si Mel sa burol ni Aliyah, ibabalita na ‘yung batang ipinalit kay Aliyah sa experimental treatment – noong una niyang inilapit ito sa kanila, ay magaling na ngayon.

Mas lalong magiging malamig si Mel kay Emman. Sa araw ng libing ni Aliyah, pansin ng lahat ang paglayo ni Mel sa asawa. Dahil sa pagluluksa, mapapagalitan ni Mel si Ning sa maliit na bagay.

Read more...