BOY ABUNDA: ‘Wag kayong mag-alala, wala akong sakit!

TODAY talaga ang birthday ni kuya Boy Abunda at kung ilang taon na siya ay di ko talaga batid.

Kahit naging kuya ko siya for the past two decades, never niyang ipinaalam sa akin ang edad niya.

Feeling niya siguro isa siyang Hollywood star – kumbaga, siya si Elizabeth Taylor who said that asking a lady of her age is a big insult.

Baka ganoon din ang emote ni kuya Boy. Ha-hahaha!

Every birthday ni kuya Boy, wala talaga itong funfare. Mas talbog ko siya sa pagpapa-party – di uso sa kanya iyan ever since.

Ako, kahit wala akong dahtung, naghahanap talaga ako ng paraan para mag-celebrate with a party – inuman till you drop kadalasan.

Kasi nga, once a year lang naman nagaganap ito and I love accepting gifts.

Para nga akong bata – or probably because when I was a kid, I never had parties kasi nga wala namang pera ang mommy namin. May kaya ang daddy ko pero hindi naman sila magkasama – dad has his own family.

Kumbaga, other woman lang naman ang mommy ko kaya tahimik lang naming nairaraos ang aming mga kaarawan.

Masuwerte kung meron kaming pansit o fried chicken when we were much younger.

Ha-hahaha! Pag walang dahtung, di manahimik, di ba? Ganoon iyon.

Pero si kuya Boy, hindi talaga mahilig sa party.

Kahit mga birthdays namin, bihira iyan nakakadalo.

Masuwerte na ‘yung nahihila namin siya sa birthday parties ng ibang friends namin pero sa amin, hindi mo mapapadalo iyan.

Nagbibigay lang siya ng gifts.

In the same way na hindi rin siya basta-basta pumupunta ng lamay, kung pumunta man, di siya sumisilip sa kabaong. Takot yata si kuya Boy sa patay, e.

This year, nag-leave si kuya Boy ng three days para regalo naman sa kanyang sarili.

Sa pagkakaalam ko, magbabakasyon sila ng kanyang butihin at pinakamamahal na ina sa Lipa, Batangas – sa kanilang resthouse doon.

Magbabasa lang iyan ng mga libro niya, mananahimik for a while para makapag-recharge.

Pagbalik niya sa Manila, back to puspusang trabaho na naman iyan, like a horse.

Wala na yata akong nakitang kasing-sipag ni kuya Boy sa trabaho.

“Habang malakas pa tayo, kayod lang nang kayod. Sayang ang opportunities.

But of course, one day, if I’ve saved enough to last me a lifetime, magpapahinga rin ako.

I want to enjoy life. I want to be as happy as you are.

Wala akong reklamo sa buhay, I enjoy what I am doing. Pero don’t worry, I’m in good shape, I’m very healthy.

“Naku, subukan mong huwag kumain ng meat, iba ang pakiramdam. You feel so good at ang gaan.

I eat lots and lots of veggies, sometimes chicken too pero yung white meat lang.

Iyan ang advice sa akin ng doctor ko.

“Sabi niya, I am perfectly healthy and he told me na dapat alagaan ko ang health ko while it is in good shape.

The more na dapat daw nating alagaan ang ating kalusugan by eating the right food.

Dapat daw, habang malusog ka ay mag-ingat ka na.

Huwag mong hintaying magkasakit ka bago ka magtanda,” ani kuya Boy na kailangan pa raw mag-lose ng at least 8 lbs. para mas perfect ang dating. Gannunned?

Speaking of kuya Boy, he is my real angel.

Siya ang itinuturing kong ama, kapatid at lahat-lahat na.

I can’t imagine life without him.

Baka napariwara na ako kung di dahil sa kanya.

He practically brought me to life, grabe ang tulong na ginawa, ginagawa and gagawin pa niya sa buhay ko.

He is my inspiration – my mentor – my manager and all.

Masasabi kong ours is one of the best friendships in the world – nabibiro ko siya – nasasabihan ng lahat ng saloobin ko – tagagabay ko – sumbungan ko – hinihingan ko ng pera and all.

Baligtad naman kaming dalawa tuwing birthday niya.

Normally, we give gifts sa birthday celebrators, di ba? Kami ni kuya Boy hindi – one-way traffic kami.

Pag birthday ko, hinihingan ko siya ng gift.

Pag birthday naman niya, wala pa rin akong gift sa kanya, at siya pa ang hinihingan ko. Iyan ang lambingan naming dalawa.

Ha-hahaha! Ako lang yata ang nakakagawa ng ganyan kay kuya Boy, kaya love na love ako niyan.

He’s my soul after all.

Inggit na inggit ako kay kuya Boy sa maraming aspeto ng buhay.

Hindi ako naiinggit sa yaman niya – I may not have them pero happy ako sa buhay ko.

Ang kinaiinggitan ko sa kanya ay ang mga sumusunod: ang utak. Iba ang utak ni Kuya Boy, he’s intelligence is innate.

I may say that he’s very photographic.

Pangalawa, inggit na inggit ako sa kanyang kasipagan.

Gosh! He works like a horse 16 hours a day.

Yung eight hours ay para sa complete sleep niya.

Iyan ang third na kinaiinggitan ko sa kanya – that discipline.

I lack so much of that. I don’t have so much control of myself sa maraming bagay.

Sa pagkain, sa bisyo, sa lahat! Ha-hahaha! Pang-apat ay ang sobrang pagka-understanding niya with matching wisdom like no other.

Tayo kasi, sometimes we’re good at some points and time – pero si kuya Boy, hindi lang basta good – excellent talaga consistently.

Walang pinipiling oras at lugar. So decent! Kaloka! Minsan nga nasasabi naming he’s too good to be true. Totoo po iyan.

And what a loving son to Nanay Lising Abunda!

Magalit ka na sa kanya – you can throw him the worst of words one can imagine, huwag mo lang saktan ang damdamin ng kanyang ina. He will kill for his mom.

As a TV host or as a celebrity endorser, iba si Kuya Boy. He rules this world without necessarily bragging. When he speaks, everyone listens.

Kasi nga, may katuturan lahat ng sinasabi niya, maingat sa pananalita, very cautious and careful dahil ayaw na ayaw niyang maka-offend.

He’s also a gay icon, a very good role model.

Kaya nga siguro kami nirerespeto kahit paano sa bansang ito dahil may magandang representation kami sa society in kuya Boy Abunda.

Actually, ang tanging lamang ko lang sa kanya ay meron akong long hair! Ha-hahaha! Other than that, I wish to be at least 10% man lang of who he is and what he has become.

This time, I may say that I’m an authority pag si kuya Boy na ang topic dahil hindi ko lang siya basta kilala, he’s practically my life. Amen!

Kuya Boy, happy-happy birthday to you. I love you more than you know. Mwah!

Read more...