Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
11 a.m. NU vs UP
4 p.m. La Salle vs Ateneo
Team Standings: **FEU (10-2); **UST (10-3); *Ateneo (8-4); La Salle (5-6); NU (5-7); UE (4-8); UP (3-8); Adamson (3-10)
** – playoff twice-to-beat
* – Final Four
BUMANGON ang University of Santo Tomas sa masamang panimula para kunin ang playoff para sa mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four 85-76 panalo laban sa FEU sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Growling Tigers sa Tamaraws na huling nangyari noon pang Season 69 at nangyari ito dahil sa balanseng pag-atake para okupahan din ang playoff sa 10-3 baraha.
Sina Karim Abdul at Kevin Ferrer ay gumawa ng tig-23 puntos pero sina Louie Vigil, Ed Daquiaog at Mario Bonleon ay naghatid pa ng 13, 13 at 11 puntos upang wakasan din ang siyam na sunod na panalo ng Far Eastern University na ginawa matapos ang 72-71 pagkatalo sa Tigers noong Seyembre 9.
Sina Mike Tolomia, Francis Tamsi at Mark Belo ay tumapos taglay ang 17, 15 at 12 puntos ngunit sila ay nagsanib lamang ng 16 puntos sa second half para masayang ang 14 puntos na inilamang ng FEU sa katunggali.
Ang buslo ni Raymar Jose ang nagbigay sa Tamaraws ng 54-51 kalamangan pero nagpakawala ng triple si Ferrer para pasiklabin ang 18-5 palitan upang lumayo ng 10 puntos ang Tigers, 69-59, sa pagtatapos ng yugto.
“Tumatama ang kanilang mga 3-pointers pero hindi lang kami nagsawa na dumepensa ng dumepensa,” wika ni UST coach Segundo dela Cruz.
Bago ito ay ginulat ng Adamson University ang University of the East, 74-71, para madagukan ang paghahabol ng Red Warriors ng upuan sa Final Four.
Si Joseph Nalos ay gumawa ng dalawang free throws bago pinagmasdan na kinapos ang sana ay panablang triple ni Chris Javier upang makuha ng talsik ng Soaring Falcons ang ikatlong panalo sa 13 laro at pangalawa sa huling tatlong labanan.
Bumaba ang UE sa 4-8 baraha.