Para sa may kaarawan ngayon: May dagdag na salaping matatanggap. Ngayon palang iplano na kung paano magiging masaya ang Pasko ng hindi masyadong gumagastos. Tandaang ang nagpapasaya pa rin sa pamilya at sa pakikipag relasyon ay ang maraming pera. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: Om-Purana-Om-Padma.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Hangga’t may panahon pa, dapat na mangarap. Sa pagbalangkas ng mga pangarap, isa alang-alang ang pangarap na dream house at ang pangarap mong mapuntahang magagandang lugar. Darating ang panahong kusa mong matutupad ang lahat ng iyan. Mapalad ang 3, 18, 23, 28, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dhuvina-Minna-Om.” Beige at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Kaysa magpatangay sa magastos na Holiday Season ipunin ang anumang salaping matatanggap. Kumbinsehan ang kasuyo na sa halip na magtapon ng pera ngayong Kapaskuhan, mas mainam na itabi ang pera at gamitin sa negosyong matagal n’yo ng binabalak. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 41 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Red at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganoon din naman siya sa iyo. Sa muling pagkikita ihanda ang sarili sa masarap na romansa. Sa pinansyal, ngayon palang ihanda na ang budget sa pakikipag-date sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 3,12, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Silver at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Magkakapera ng malaking halaga, basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Capricorn. Sa pag-ibig, bukod sa Capricorn ka-compatible mo rin ang Scorpio. Mapalad ang 2, 11, 20, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Minna-Galla-Om”. Green at peach ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Kung sisimulan sa pagsisimba ang araw na ito maraming biyayang darating. Sa huling oras ng gabi may isang masarap na romansang aanihin. Sa pinansyal, may mag-aabot sa iyo ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 4, 9, 15, 28, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Negosyong may kaugnayan sa butil ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at maraming pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krishna-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Pagtiyagaan ang kasuyong walang kuwenta, darating ang panahong magbabago rin siya. Sa pinansyal, kailangang makaisip ng sariling pagkakaperahan, upang hindi ka na laging nakaasa sa iba. Mapalad ang 7, 14, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sharin-Shara-Om.” Orange at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Mali ang ginawa mong pagtanggi, paano kung dumating ang sandali na ikaw naman ang mangailangan? Sa lahat ng panahon at pagkakataon panatiliin ang pagiging bukas-palad, upang lalo ka pang suwertehin at sumagana. Mapalad ang 3, 12, 28, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong Mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Pink at gray ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Tama ang naisip mong mag-iba ng kapaligiran. Sa malayong pook, mas maraming magagandang kapalarang makukuha. Sa pag-ibig, sa malayong pook mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 23, 28, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Green at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Minsan dapat mo ring ikonsidera ang damdamin ng iba. Kapag marunong kang magmahal ng kapwa, mas mabilis kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Ghopalago.” Black at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Hindi mo namamalayan, sinasamantala ng kasuyo ang iyong kabaitan — wag magpauto. Sa negosyo, iwasang magpautang, kahit sa mga kakilala, dahil kapag nagpautang ka, malamang na hindi ka na naman mabayaran. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Aum Govinda”. Pink at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Kaya hindi ka yumayaman, kulang ka sa lakas ng loob! Sa sandaling lumakas ang iyong loob, kusa ng darating ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyong Cancer na magpayaman din. Mapalad ang 7, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Lilac at maroon ang buenas.
Horoscope, November 08, 2015
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...