Sulat mula kay Raquel ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City Problema: 1. Tawagin nyo na lang akong Raquel, 18 years old at kasalukuyang kumukuha ng kursong nursing. May boyfriend ako na isang jeepney driver, mahal na mahal ko siya at since high school kami na talaga ang mag-bestfriend. Sa ngayon more than 3 years na ang relasyon namin. Minsan ay sinama niya ako sa biyahe buti na lang malakas ang kontrol ko sa aking sarili kasi ng wala nang pasahero inaya nya ako sa motel, pero hindi ako pumayag. Hindi naman niya ako pinilit. Kaya ng minsang gusto uli niya akong isama sa biyahe, iniiwasan ko ng sumama sa kanya. 2. Kaya lang sa December 1 birthday niya at anniversary pa namin at naipangako ko sa kanyang sasama ako sa biyahe, sabi kasi niya iyon na lang daw ang iregalo ko sa kanya. Kaya sa ngayon ay natatakot at nag-aalala ako na baka kung saan na naman niya ako dadalhin. Pero minsan, dahil nga mahal ko siya at tapat naman siya sa akin, parang gusto ko na ring bumigay. Ang itatanong ko lang kung bibigay kaya ako sa hinihingi niya, siya na kaya ang mapapangasawa ko at makakasama habang buhay? August 13, 1997 ang birthday ko at December 1, 1990 naman ang boyfriend ko. Umaasa, Raquel ng Lagao, Gen San Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang boyfriend mo ang nagsasabing compatible at tugma naman kayo, dahil ang Sagittarius at Leo ay kapwa pinaghaharian ng elementong fire o apoy. Numerology: Sa aspetong pang-Numerology ay ganon din, tugma ang birth date mong 13 sa birth date na 1 ng boyfriend mo, kung kaya’t kahit na bumigay ka sa kanyang hinihingi, wala namang problema dahil sa bandang huli malaki ang posibilidad na kayo pa rin ang magkakatuluyan. Subalit dahil nag-aaral ka pa sa kasalukuyan, mas mabuti paring tapusin mo muna ang iyong pag-aaral bago ka tuluyang bumigay sa tawag ng kamunduhan. Huling payo at paalala: Raquel wala kang dapat gawin sa kasalukuyan kundi sumama sa boyfriend mo sa inyong anibersaryo at birthday niya tutal magkasintahan naman kayo. Subalit kung muli niyang hihingin ang iyong pagkababae, mas mainam na tanggihan mo iyon upang makatapos ka ng pag-aaral at magkaroon ng magandang career bilang nurse balang araw. Sa ganyang paraan lamang, hindi naganap ang “biyaheng langit” dahil ang higit na umiral ay “true love waits”, tiyak ang magaganap, sa iyong pag-asawa may isang masaya, maunlad at pang habang buhay na pamilyang mararanasan.
Biyaheng “langit” (2)
READ NEXT
Total giving
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...