Kung may isang intriga raw na hindi talaga ma-take ni Jessy Mendiola, ‘yan ay ang pagtawag sa kanya ng bashers na “manggagamit”.
Sa Fast Talk segment ng Tonight With Boy Abunda, isinagot ni Jessy ang salitang “user” nang matanong ni Boy Abunda kung anong bagay ang nakakapagpainit ng ulo niya.
Sa huling panayam namin sa dalaga sa presscon ng Banana Sundae, sinabi ng aktres na paulit-ulit siyang sinasabihan ng ilang netizen na ginamit lang daw niya si JM de Guzman para mapag-usapan.
May nagsabi pa nga raw na nakipagbalikan lang siya sa aktor para ma-headline uli sa mga tabloid at pagkatapos ay nakipaghiwalay din. Sey ni Jessy, dinededma na lang niya ang mga ganitong eksena dahil alam naman daw niya kung ano ang totoo.
Samantala, bukod sa pagiging additional cast sa sitcom na Banana Sundae, malapit na ring magsimula ang serye niyang You’re My Home kung saan makakasama niya sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, JC de Vera at Sam Concepcion.