Biyaheng “langit”

Sulat mula kay Raquel ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,
Tawagin nyo na lang akong Raquel, 18 years old at kasalukuyang kumukuha ng kursong nursing. May boyfriend ako na isang jeepney driver, mahal na mahal ko siya at since high school kami na talaga ang mag-bestfriend. Sa ngayon more than 3 years na ang relasyon namin. Minsan ay sinama nya ako sa biyahe buti na lang malakas ang control ko sa a-king sarili kasi ng wala nang pasahero inaya nya ako sa motel, pero hindi ako pumayag. Hindi naman niya ako pinilit. Kaya ng minsang gusto uli nya akong isama sa biyahe, iniiwasan ko ng sumama sa kanya. Kaya lang sa December 1 birthday niya at anniversary pa namin at naipa-ngako ko sa kanyang sasama ako sa biyahe, sabi kasi nya yon na lang daw ang iregalo ko sa kanya. Kaya sa ngayon ay natatakot at nag-aalala ako na baka kung saan na naman niya ako dadalhin. Pero minsan, dahil nga mahal ko siya at tapat naman siya sa akin, parang gusto ko na ring bumigay. Ang itatanong ko lang kung bibigay kaya ako sa hinihingi niya, siya na kaya ang mapapangasawa ko at makakasama habang buhay? August 13, 1997 ang birthday ko at December 1, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Raquel ng Lagao, Gen San
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na malaki ang posibilidad na kahit na “bumigay” ka o hindi sa kasalukuyan mong boyfriend, sa bandang huli kayo na nga ang magkaka-tuluyan. Subalit dahil estudyante ka pa sa kasalukuyan, ang maipapayo ko lang sa iyo ay wag ka munang bumigay sa halip tapusin mo muna ang i-yong pag-aaral.
Cartomancy:

Two of Hearts, Jack of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing tapat at mabuting tao ang iyong boyfriend, kung saan, sa sandaling kayo ang nagka-tuluyan kahit na isang jeepney driver lang siya, may isang masaya at pang-habang buhay na pagpapamilyang nakalaan.

Itutuloy…

Read more...