Hiling ng fans: Gawing bida ang AlDub sa remake ng Encantadia

yaya dub

DAHIL sa sandamakmak na request at apela ng mga Kapuso viewers, nagdesisyon ang GMA 7 na gawan ng remake ang classic fantaserye na Encantadia na pinagbidahan noon ni Dingdong Dantes at iba pang sikat na Kapuso stars.

Pormal nang inanunsyo ng Kapuso network na isa ito sa mga programang dapat abangan ng mga manonood next year. Sino-sino nga kaya ang mga bagong bibida sa isa sa mga highest-rating fantaserye noon ng GMA?

Unang umere ang Encantadia noong May, 2005 at base sa record ng AGB Nielsen, ang pinakamataas na rating na nakuha nito ay 51.7%. Bukod kay Dingdong, kabilang din sa cast ng original Encantadia sina Sunshine Dizon bilang Pirena, Iza Calzado na gumanap bilang Amihan, Karylle as Alena at Diana Zubiri bilang Danaya. Si Dawn Zulueta naman ang gumanap na Reyna ng Encantadia at nanay ng a-pat na nabanggit na karakter.

At dahil nga sa tagumpay ng serye, nagkaroon pa ito ng prequel, ang Etheria at ang ikatlong aklat na Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas. Ilan sa mga Kapuso viewers ay nag-suggest na isama sina Maine Mendoza at Alden Richards sa nasabing programa bilang launching project nila sa teleserye.

Ayon naman sa isang netizen, pwede raw si Marian Rivera ang gumanap na Reyna ng Encantadia dahil bagay na bagay ito sa misis ni Dingdong.

Read more...