Sam umamin: Crush ko si Julia noon pa sa Mara Clara!

sam milby

Anytime now ay magsisimula nang mag-taping si Sam Milby para sa afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes.

Looking forward ang hunk actor sa mga eksena nila ni Julia dahil naniniwala itong marami pa siyang matututunan sa dalaga pagdating sa akting.

Aminado si Sam na isa si Julia sa mga hinahangaan niyang aktres dahil kayang-kaya nitong maging bida at maging kontrabida tulag ng ginagawa nito sa Doble Kara.

Kaya nang i-offer sa kanya ng Dreamscape Entertainment ang role ng isang seminarista na mai-in love sa karakter ni Julia sa serye ay agad niya itong tinanggap. Bukod pa nga iyan sa pag-amin niyang crush niya si Julia noon pang Mara Clara days.

“She’s very young – maybe 11-year gap – but she’s someone that even though she’s young, she portrays very mature roles at a young age. And that what makes her an amazing actress.

She’s able to get those emotions out at the young age,” ani Sam sa pocket presscon na ibinigay sa kanya ng Dreamscape bilang additional cast sa Doble Kara.

“It’s really nice that I get to work with her. Even though she’s young, she’s already established, very mature, very amazing actress and I think she will be definitely one of the most important actresses of this time,” dagdag pa niya.

At dahil nga sa pagpasok niya sa Doble Kara, at sa nalalapit niyang 10th anniversary concert na “The Milby Way”, magiging super busy na uli si Sam pero wish pa rin niya na makasama sa Pasko ang kanyang pamilya, “I want to spend Christmas and New Year with my family.

I just want to be with them more. It’s hard because my dad, kaka-81 pa lang niya and he is still very strong and is still in good health. “But as I get older I realize that it’s important to spend time with your family,” aniya pa.

Read more...