Ex-sexbomb dancer inaabuso ng mister

Sugar-Mercado2
Humingi ng tulong ang dating miyembro ng television dance group na Sexbomb sa Gabriela upang maproteksyunan umano siya laban sa kanyang mister at biyenan.
Nais din ni Sugar Mercado na maglabas ng korte ng utos at ibigay sa kanya ang kustodiya ng kanyang mga anak at hindi sa kanyang mister na si Kristoffer Jay Go.
Sinuportahan naman ni Gabriela Rep. Emmi De Jesus si Mercado at pinuri pa ang ginawa niyang pagtayo para ipaglaban ang kanyang karapatan.
“We hope that the legal process that Ms. Mercado chose to pursue results to a safer and more secure future for her and family. Every time an abused woman stands up, another is encouraged and inspired to do the same,”ani de Jesus. Si Mercado ay naghain ng paglabag ng Anti-Violence Against Women and their Children Act (RA 9262) sa Quezon City Regional Trial Court upang makakuha ng proteksyon sa korte laban kay Go at kanyang mga biyenan.
Ayon kay Mercado siya ay emosyonal at pisikal na inabuso ni Go at minsan ay tinutulungan pa ng kanyang mga biyenan mula noong 2010.
Pinagbabantaan din umano ng mga ito ang kanyang buhay at sinasabi umano na kukunin ang kanilang mga anak kaya napilitan na siyang humingi ng tulong sa korte. Sinabi ng Gabriela na bibigyan nila ang counseling si Mercado. Umapela naman ang Gabriela sa iba pang babae na inaabuso ng kanilang mga mister na lumantad at lumaban.

Read more...