Condonation sa SSS ang hiling

AKO Po si Rosanna Rivera, mahigit 10 taon na po akong naghuhulog sa SSS subalit ako ay may pagkakautang pa sa aking salary loan. Hindi ko pa ito nahulugan. Kailan po kaya magkakaroon ng condonation? Medyo mabigat po kasi sa katayuan ko na bayaran ang penalty.

Ang P7,000 na utang ko, naging P21,000 na. Sana ay matulungan nyo ako. Thanks.

REPLY: Sa ngayon ay wala pang amnesty o condonation program ang Social Security System.

Taong 2012 pa nang hu-ling magpatupad ng condonation program ang ahensiya.

Hindi ang SSS ang nagdedesisyon para sa pagpapatupad ng condonation program dahil ito ay inihahain sa dalawang kapulu-ngan ng Kongreso at sila ang nag-aapruba nito at kapag napagtibay na ay saka lalagdaan ng Pangulo para sa ganap na implimentasyon.

Ang SSS Loan Penalty Condonation Program na huling ipinatupad noong 2012 na nagbigay oportunidad para sa mga delinquent borrowers na mabayaran ang kanilang overdue loan na nagakapag-avail ng discounted penalties na mula 50 percent hanggang 100 percent.

Sakaling magkaroon ng condonation program ay agad naman itong ipapaalam sa mga miyembro ng SSS.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media Affairs Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...