Megan Young maghihiganti na sa Marimar bilang Bella Aldama

MEGAN YOUNG

MEGAN YOUNG

ISANG bagong Megan Young ang malapit nang makilala ng mga manonood sa Kapuso primetime series na Marimar. Mula sa pagganap ng Kapuso actress-TV host bilang si Marimar, handa na siyang maghiganti bilang si Bella Aldama.

“Malapit nang magtransform si Marimar. Siya ay magiging si Bella Aldama na. Ito na rin ang pagsisimula ng paghihiganti niya sa mga Santibañez lalo na kina Sergio (Tom Rodriguez) at Antonia (Lauren Young),” kwento ng aktres.

Sa parehong panayam, hindi ikinaila ni Megan na kinakabahan pa rin siya sa pagbabagong magaganap sa kanyang karakter. “Medyo kinakabahan ako kasi siyempre napamahal na rin ako sa character ko bilang si Marimar. Si Marimar kasi tahimik, simple, hindi siya pala-ayos. Tapos si Bella, may mga mentors na siya, makakapag-aral siya sa ibang bansa, at matututo na siyang manamit ng maayos. She really educated herself para ready na talaga siya sa pagharap kina Sergio at Antonia. Ibang side naman ni Megan ang makikita ng viewers.”

Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata, mapapanood ang Marimar gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.

Read more...