Marcos binatikos si PNoy matapos ipagtanggol ang MIAA chief

marcos-aquino
BINATIKOS ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Pangulong Aquino matapos ipagtanggol si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado sa kabila naman ng mga panawagan na magbitiw na siya sa puwesto sa harap ng kontrobersiya kaugnay ng tanim-bala sa mga paliparan.

“How can you possibly defend somebody who has allowed this kind of victimization of our overseas Filipino workers to carry on? In the face of public scrutiny, exposure, scandal and clear violations of trust and the law, pinagtatanggol pa rin?” sabi ni Marcos sa Kapihan sa Senado kahapon.

Iginiit ni Marcos ang agarang pagsibak kay Honrado.
“He should be fired immediately. He’s clearly incompetent. He should’ve never been in the job in the first place,” ayon pa kay Marcos.

Idinagdag ni Marcos na nangyayari ang tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil walang alam si Honrado sa kanyang trabaho.

“Maliwanag na hindi naman niya alam ang trabaho dahil pinababayaan niyang mangyari to eh,” dagdag ni Marcos.

Read more...