Babalik pa ba ang BF?

Sulat mula kay Janet ng Poblacion, Sudipen,  La Union
Dear Sir Greenfield,

May mabigat na problema po ako sa ngayon, nagka-break kasi kami ng boyfriend ko magpa-pasko pa naman. Nahuli ko kasi siyang may ibang ka-text mate at ka-landian sa Facebook. Tapos nagalit ako, tapos siya pa ang malakas ang loob na nakipag-kalas sa akin. Si-guro ko talagang may relasyon na sila ng babaing iyon. Ang itatanong ko lang po kung magkakabalikan pa ba kami, mahirap pala na wala siya at nasanay na ako sa kanya. Kung sakaling hindi na siya magbabalik, may chance kaya na mag-kaboyfriend uli ako kahit na 29 na ang edad ko sa ngayon? October 28, 1986 ang birthday ko at August 3, 1988 naman ang ex-boyfriend ko.

Umaasa,
Janet ng Sudipen, La Union
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi na kayo magka-balikan ng ex-boyfriend mo at kahit na kayo mag-kabalikan, malamang na magka-break din uli kayo. Ito ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad. Biyak ang unang Marriage Line (arrow 1.), habang maganda at maayos naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin, hindi ang unang boyfriend mo ang makakatuluyan mo, kundi ang ikalawa na paparating pa lamang.

Cartomancy:
King of Spades, Queen of Clubs at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ang susu-nod mong boyfriend ay halos kasing edad mo rin, at makikilala mo siya sa kasalukuyan mong trabaho, kung saan, ang bubuuin ninyong relasyon ay magiging maligaya at magiging pang habang buhay na.
Itutuloy….

Read more...