Erap muling nagbigay-pugay kay FPJ; fans nag-selfie sa puntod

grace poe

Mahigit isang dekada na ang nakakaraan mula nang yumao ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. ngunit patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga tagahanga.

Patunay rito ang pagdumog ng mga tagahanga nitong Undas sa kaniyang puntod sa Manila North Cemetery kung saan sila ay nagtirik ng kandila at nagpakuha pa ng “selfie.”

Patuloy din ang pamamayagpag sa ra-tings game ng teleserye ni Coco Martin at ni Ms. Susan Roces sa ABS-CBN na Ang Probinsyano na hango sa 1997 movie ni Da King.

Isa sa mga bumisita sa puntod ni Da King noong Oct. 31 ay ang matalik nitong kaibigan na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Mag-isa si Erap nang dumalaw sa mausoleum ng mga Poe, “Mas maganda ang nag-iisa; mas nakakapagdasal ng mabuti,” sabi ni Erap sa isang panayam.

Noong Oct. 30 dumalaw sa puntod ng ama si Sen. Grace Poe at ang anak na si Brian.

Read more...