Elmo nagtatampo…lilipat ng ABS-CBN dahil napabayaan na sa GMA

elmo magalona

Affected much ang ilang Kapuso stars sa pagsikat nina Alden and Maine. Masyadong naka-focus ang GMA sa kanila at tila napabayaan nito ang iba pa nilang love teams.

Sa report ng isang Facebook fan page ay sinabi nitong “dapat nang maalarma ang GMA sa kanilang i-pinupush na mga loveteams at handa silang suportahan ito kahit may AlDub na.”

“Pagkatapos buwagin nang GMA ang tambalang JanElmo dahil ang dating ka-loveteam ni Elmo Magalona na si Janine Gutierrez ay ipinareha sa ibang aktor. Ang GabRu (Gabbi Garcia at Ruru Madrid) naman ang sumunod na binuwag.

“Binuwag na din ang GabRu dahil si Ruru ay ipanareha sa Tween Queen na si Barbie Forteza at ipinasok ito sa hit afternoon drama series na The Half Sisters bukod dyan ipinareha din sila sa Dangwa.”
“Tanging ang BiGuel na lang ang naiwang loveteam dahil may upcoming primetime series sila.

Out na din si Marian Rivera dahil bagong endorser ng Talk n Text sina Alden Richards at Maine Mendoza mukhang pati si Marian apektado na rin.”

‘Yan ang nakasaad sa Kakulay Entertainment blog. The report made sense. In the end, baka sa tingin nga ng maraming Kapuso stars ay malas sa kanila ang tambalang Alden at Yaya dahil ang dami nitong sinagasaang love teams na biglang nalaos dahil sa pagsulpot nila.

Isa pa, hindi naman magaling mag-push ng talent nila ang GMA 7. Nagko-concentrate lang kasi sila sa kung sino ang sikat at iyon ang kanilang pinagtutuunan ng pansin. The rest, deadma na sila.

Kaya nga nilayasan nga raw sila ni Elmo Magalona, ‘no! Wala naman kasing kaplano-plano ang GMA 7.
Actually, hindi naman affected much ang mga sikat na loveteams ng Kapamilya sa pagsulpot ng AlDub.

Pinapakain pa rin nila ng alikabok ang katapat nilang shows sa Siyete lalo na sa primetime, lalo na ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre na patok na patok sa On The Wings Of Love.

Read more...