Kris, Ai Ai, Bossing, Vice, Coco bugbugan sa MMFF 2015; AlDub vs JaDine tuloy na

aiai delas alas

SA isang umpukan ng mga showbiz insiders, isa sa mga pinag-usapan ay ang upcoming 2015 MMFF at ang inaasahang mahigpitang labanan sa box-office ng eight official entries, lalo na ng mga kasaling sikat na loveteams ngayon.

“Kaya nga nag-backout na yung historical piece. Hindi pa man nagsisimula ang laban eh, amoy kulelat na sila,” sey ng isa. “Mali lang siguro ang ti-ming. Malay naman natin, dahil sa success ng ‘Heneral Luna’ ay mas naunawaan na ngayon ng showbiz patrons ang salitang kamulatan,” sey ng isa pa.

Pero ang pinakakontrobersyal na subject talaga na pinag-usapan ka-patid na Ervin ay yung mga entries nina bosing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas, Kris Aquino and Derek Ramsay at ang entry nina Vice Ganda at Coco Martin.

Proven na mga box-office sensations daw kasi ang mga nabanggit na pangalan at kapuna-puna ring nagsahog sila ng mga pinakasikat na loveteams in their entries gaya ng AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza), KimXi (Kim Chiu at Xian Lim), AmorEd (Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion), at JaDine (James Reid at Nadine Lustre).

Kuda ng isa, “Sigurista si Kris kasi dalawang sikat na loveteams agad ang nasa movie nila.” Hirit naman ng isa pa, “Naku, kung yung tatlong pinakasikat na love teams nga dati na pinagsama sa isang TV show eh kinabog ng AlDub, paano pa sila aasa na magna-number one sa takilya?”

“Remember, movie na ito, a medium na hindi pa napapatunayan ng AlDub mo,” kantiyaw-sagot ng isa pa. Pero alam mo ba kapatid na Ervin ang grabeng kantiyawan na napag-usapan sa nasabing umpukan?

Ang diumano’y pagbabago na naman ng “timpla” ni Kris sa supposedly tandem nila ni papa Derek at ang biru-biruan ng posibleng guest appearance ni Q.C.

Mayor Herbert Bautista sa entry nina Bossing Vic at Ai Ai. Nakakabaliw na nakakaaliw. Ha-hahahaha!

Read more...