Jessy rumampa nang naka-bikini sa beach; handa nang mag-darna?

jessy mendiola

Speaking of “Darna”, may mga nagtatanong sa amin kung si Jessy Mendiola na raw ba ang napili ng Star Cinema na mag-Darna. Usap-usapan kasi sa social media na mukhang naghahanda na raw ang dalaga para sa nasabing proyekto.

Una nang nag-speculate ang followers ni Jessy sa Instagram na siya na ang papalit kay Angel nang mag-post ito ng litrato kung saan makikita ang ginagawa niyang training para pumayat.

Bukod pa rito ang picture kung saan may hawak siyang mug na may litrato ni Wonder Woman, ang US version naman ni Darna. At kamakailan nga ay muling nag-post ang aktres sa IG ng larawang kuha sa isang beach resort kung saan kitang-kita ang kanyang kaseksihan in red two-piece bikini.

Marami ang nagkomento na perfect daw si Jessy na magsuot ng Darna costume.

Read more...