IT’S been almost three years nang umalis si Willie Revillame sa ABS-CBN and people say that I started it all.
I detest that thought dahil through some twists of fate ay may nangyari between the two of us na hindi naman intentional.
He reacted negatively on what I mentioned in my radio program “Mismo” sa DZMM about his former show Wowowee at mali ang inihatid sa kanyang balita ng kaibigan at staff niyang si DJ Kokie.
Sa first day ay binanatan niya ako sa Wowowee – demanding from the ABS-CBN management na tanggalin ako sa show dahil kung hindi, siya ang aalis.
Sumabog ang mabibigat niyang pahayag na iyon sa media and the very next day, ang istasyon na ang kabanggaan niya.
That was it. Boom! Umalis na si Willie and went to TV5.
It was before Christmas last year nang pinag-usap kami ni Willie Revillame ni Nanay Cristy Fermin over the phone. A good one year and eight months mula nang “mag-away” kami.
Habang nagkukuwentuhan kami nu’ng mga oras na iyon, Nay Cristy asked me that time while waiting for Gov. ER Ejercito sa Anabel’s resto kung ako raw ba ay handa nang makipag-usap kay Willie.
Sabi ko naman sa kanila ni Richard Pinlac, Ernie Enrile and the rest of the group na kasama namin sa table that time ay wala na sa akin ‘yung galit – kumbaga, sa tagal ng panahon ay nawala na ang galit ko kay Willie.
Nakapag-move on na rin kumbaga.
Maya-maya ay tinawagan ni Nay Cristy si Willie who was then in Macau.
Meron kasi silang ibang pinag-usapan.
Hanggang sa sinabi ni Nay Cristy sa kanya over the phone na meron siyang ipapakausap sa kanya pero hindi niya sinabing ako iyon.
After getting Willie’s nod siguro, ipinasa agad sa akin ni Nay Cristy ang phone niya.
Ganito more or less ang naging takbo ng usapan namin noon:
JOBERT SUCALDITO: Hello. Ano balita?
WILLIE REVILLAME: Okay naman.
JS: Kilala mo ba kung sino ‘tong kausap mo?
WR: Si Jobert.
JS: Wow! Ikaw na! Talagang hindi mo nakakalimutan ang boses ko ha. Ha-hahaha!
WR: Laki nga ng pasasalamat ko sa iyo, eh.
Kung hindi mo ako inaway, di sana ako nakabili ng mga bahay, eroplano, mga yate.
JS: Teka lang naman.
Hindi naman kita inaway, ano ka! Let’s put it this way para mas maganda pakinggan, kung hindi tayo nagkaproblema – ganoon iyon. Hindi kita inaway, ‘no!
WR: O, di sige. Pero at least, gumanda lalo ang buhay ko after nu’ng nangyari.
JS: Dapat may komisyon ako diyan.
WR: Oo ba. Kita tayo next week, mag-lunch tayo sa Wil’s (referring siguro to his Wil’s Events Place sa Sgt. Esguerra).
JS: Okay. Sabihin mo lang kay Nay Cristy kung kailan at punta ako.
End of conversation.