Negosyanteng nakakulong hinihiritan ng P3M SUV | Bandera

Negosyanteng nakakulong hinihiritan ng P3M SUV

Den Macaranas - November 04, 2015 - 03:05 PM

UMUUSOK ang ilong sa galit ang isang nakakulong na negosyante dahil gusto siyang ilipat sa ibang kulungan ng hukom na may hawak sa kanyang kaso.

Ayon sa ating Cricket, biktima raw si Mr. Businessman ng modus ng mag-asawang tagapag-hatid ng hustisya.

Sinabi ng ating Cricket na hindi pinagbigyan ni Mr. Businessman ang request na bagong Sports Utility Vehicle (SUV) ni Mr. Prosecutor.

Ang misis ni Mr. Pro-secutor ang hukom na may hawak sa kaso ng negosyante na nahaharap sa kasong large scale estafa.

Matindi ang hinihi-nging regalo ni Mr. Pro-secutor, isang SUV na nagkakahalaga ng
P3 milyon.

Sinabi ni Mr. Businessman na hindi niya kayang ibigay ang nasabing request dahil naka-freeze daw halos lahat ng kanyang mga ari-arian sa kasalukuyan.

Ilang araw makaraang mabigo ang kanyang inihihirit na SUV, ipinag- utos ng Judge na may hawak ng kaso na mailipat ang negosyante sa Municipal Jail mula sa Provincial Jail kung saan siya kasalukuyang nakakulong.

Ang katwiran ng hukom, matindi raw ang VIP treatment na tinatanggap ng negosyante sa loob ng kulungan.

Pati raw mga kapwa-bilanggo ay tumatayong bodyguards at utusan ng nasabing big time na negosyante.

Sinabi ng negosyante na may-ari ng isang realty company na hindi ito totoo at handa siyang sumailalim sa imbestigasyon.

Nakahanda rin daw siyang idetalye sa publiko ang ginagawa sa kanyang panggigipit ng ilang opisyal ng pamahalaan dahil sa hinalang hanggang ngayon ay limpak-limpak na salapi ang kanyang hawak.

Ang prosecutor na humirit ng SUV sa isang mayamang negosyante na may kasong large-scale estafa ay si Mr. J….as in Joy Ride.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang negosyante naman ay si Mr. D…as in Delata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending