Grace Poe tumangging aatras na sa laban

LUMUTANG ang isang liham sa Senado kahapon na nagpapahayag na aatras na sa pamapanguluhang eleksyon si Sen. Grace Poe.

Ngunit madaling pinabulaanan ni Poe na sa kanya ang sulat, at tuloy pa rin anya ang kanyang laban sa pagkapangulo.
Naniniwala rin ang senador na pakana ang bogus na liham ng mga kalaban na ang tingin sa kanya ay banta sa kanilang kandidatura.
Sa liham, sinasabi na hindi na siya tutuloy sa pagtakbo, at gagawin niya umano ito para sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
Ang nasabing liham ay mula sa nagngangalang Liza Cabigting, na ipinadala sa mga reporter ng Senado, pamamagitan ng Internet.
Sa panayam kay Poe, sinabi nito na: “Ganyan siguro talaga pag ikaw ay nagiging banta sa kanila, baka nag-iisip sila ng paraan para madiskaril ang aking mga dapat gawin,” ayon pa kay Poe.

Read more...