Cebu niyanig

cebu
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Cebu kahapon ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol ala-1:05 ng umaga. Ang sentro nito ay 47 kilometro sa silangan ng Cebu City. May lalim itong 19 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Nagdulot ito ng paggalaw na may lakas na Intensity II sa Cebu City. Wala namang inaasahang aftershock ang paggalaw na ito. Ala-1:51 ng umaga ay naramdaman naman ang magnitude 2.1 lindol sa bayan ng Borbon, Cebu. Ang sentro nito ay 11 kilometro sa kanluran ng Borbon at may lalim itong 33 kilometro.

Read more...